'7 Years Fitness Transformation | First Competition Prep | Matt Mandeoya'

'7 Years Fitness Transformation | First Competition Prep | Matt Mandeoya'
16:27 Jan 14, 2022
'2013 nung nagstart ako magbuhat. Goal ko lang talaga noon maging batak at makasabay sa mga kaibigan ko na nag gygym. Dami rin beses nawalan ako ng gana dahil ang bagal ng resulta pero di ako tumigil lalo na yung panahon na nalugmok ako sa problema isa na dun yung heartbreak. Laking pasalamat ko sa gym dahil dito ko binuhos lahat ng lungkot ko hanggang sa nagkaroon ako ng malinaw na goal sa ginagawa ko. 2016 nung nagstart ako magseryoso at sinabi sa sarili ko na hindi ko na hahayaan mawala mga pinaghirapan ko sa pagbubuhat. na tapos na ako sa buhat papogi lamang jan ako nagsimula mangarap na balang araw makasampa o maging isang Physique competitor. Nung una puro hula pero isa lang maipagmamalaki ko di ako nawalan ng gana matuto. Araw araw sinusubukan ko matuto walang mintis sa training at matinding disiplina sa pagkain. 2018 nung nakilala ko grupo ng #batanghipe sobrang inidolo ko sila at lalong naging malinaw yung goal ko na balang araw makasampa ng stage. 2019 nung makilala ko unang mentor ko Ken dorimon athlete at batanghipe rin from south. Nabigyan ako ng chance para lalo matuto at hindi ko ito sinayang. araw araw bago pumasok sa school o after school basta kung ano oras training nila sinisikap ko sumabay matuto at magabayan man lang ng tama. Nagpatuloy lang ako kahit maraming tumatawa at di bilib sa ginagawa ko. Tinakpan ko tenga ko sa mga bumoboses na kaibigan at kapamilya na para san ba tong ginagawa ko. Di ko alam pero alam ko kasi dito ako masaya, kumbaga mahal ko tong ginagawa ko di lang sya basta pagbubuhat ng bakal. Sinapuso ko na.   Hindi rin biro mag prep dahil literal na dugo at pawis maraming sakripisyo ang gagawin mo pero worth it itong lahat basta mahal mo ginagawa mo. Kailangan lang talaga buo ang loob mo at nakatatak sa utak mo na kahit anong mangyari hindi ka bibitaw dahil ito ang gusto mong gawin. Di man pinalad makuha 1st place pero masaya ako dahil nagawa ko at natupad pangarap ko makasampa at maging isang ganap na Athlete. Pinakamasaya yung naging parte ako ng grupo na iniidolo ko lang noon #Batanghipe! alam ko madami pa ako dapat patunayan kaya walang rason para tumigil o sumuko sa pangarap.   Nagawa ko na makasampa, ultimate goal ko naman ngayon ay maging isang Champion at marepresent yung team ko at gawin silang proud. #BATANGHIPE #physique #gym  Mabilis lang ang panahon, di tayo titigil sa pag abot ng pangarap! Walang imposible baka sa susunod na upload road to Pro, road to Olympia na :D Never stop chasing your dreams!' 
See also:

comments

Characters